About Me

header ads

ANGEL LOCSIN: NA DISCOVER NG ABS-CBN

Opo, Kapamilya!🙏 ♥️💚💙 Lingid marahil Sa kaalaman ng iba before naging GMA artist ay ang Kapamilya channel nga Po Ang unang tumulong Kay Angel Locsin noon para maging isang ganap na artista. Ayun ito Sa kwento dati Ng aking yumaong kapitbahay na Tiyahin ni Angel.  



OPo, Hindi Po drama Yun sinabi Niya na Ang abs-cbn nga Po Ang tumulong Sa kanila noon walang Wala pa Po sila.  Hindi Po Sa pagtatanggol Kay Angel pero nagsasabi Po siya Ng katotohanan at pawang katotohanan lamang.

Unang nadiscover Si Angelika Colmenares sa SM NORTH EDSA Kung Saan mahilig siyang tumambay.

Bago siya nalipat di umano sa GMA , si Angel ay unang nasali Sa channel two via #AngTV. At kasama sana sa Star Circle batch 9 na Hindi natuloy dahil Sa di pagpayag Ng Tatay Niya ayun Sa Tiyahin Niya.

Una ko Po siyang nakilala noon Bata pa siya at laging nagpupunta Sa noon ay kapitbahay namin na kapatid Ng Nanay Niya.

Naging Reyna Elena din Po siya noon sa tinitirhan namin na maliit na subdivision dahil lagi siyang nandoon Sa mga pinsan at tiya Niya. 



Sa pagkakaalam ko, Lubos Po Ang pasasalamat at pagtanaw Ng utang na loob Ni Angel Sa GMA Network. Wala Po siyang masamang tinapay kahit kanino. Kahit ginamit siya Ng Todo Ng mga Ito Wala siyang sinabing masama Sa dati man niyang manager, network, mga pinsan o Sa biological mother Niya.

Ang larawan namin sa itaas ay kuha noon siya kagagaling pa lamang sa pag soul searching niya Sa Batanes. Naganap po ito pagkatapos Ng presscon Niya Sa Abs-Cbn kahit pilit na siyang hinihila Ng mga taga abs ay pinag bigyan Niya Ang picture taking with everyone, yes lahat  po. Maging bloggers man o traditional media 

Humanga Po ako Sa paninindigan Ni Angel. Yun pag pa picture Sa kanya ay parang posterity na siya ay aming na cover Sa presscon. Hindi Niya obligasyon na mag paiwan matapos Ang tanungan portion. Pero iba si Angel. Hindi siya maramot kahit marami siyang projects. 

Naulinigan ko Ang tinuran Niya Ng mag-request din si Manay Ethel Ramos na makapag picture sila Ni Angel Kasama ang iba pang mga press noon habang siya ay papalabas na. She readily obliged and told the abs-cbn staff who keep on persuading her to leave the press behind "Hindi ko pwedeng pahindian Ang manager ko". (Yun ibang artista, naku iiwan ka talaga kahit Hindi sila sikat) iba so Angel. Siya ay may puso at marunong Po siyang tumulong at dumamay Luzon, Vizayas o Mindanao man. 

Sana magkaisa Po tayong lahat. Ang iniisip Ni Angel ay paano na lamang Ang kinabukasan at kapakanan Ng mga empleyado at maliliit na negosyo na umaasa Sa channel two.

Kami na naiimbita Sa MGA blogcon at press con ay Wala na rin mapagkukunan Ng mga balita at chika patungkol Sa MGA paborito ninyong artista. Kaya pakiusap maging mahinahon Po Sana kayo at mag empathize Sa mga mawawalan Ng permanenteng trabaho na mga manggagawa.

Mabuhay ka Darna!✌️🥰


Post a Comment

0 Comments