About Me

header ads

Sharon Cuneta: Pinag Antay ng Mahigit Apat na Oras Sa "It's Showtime"

Mega late ang megastar na si Sharon Cuneta sa presscon nila ng Asia's songbird na si Regine Velasquez para sa kanilang first ever back to back concert na may titulong "Iconic". Ang dahilan? Binuro di umano ang megastar sa "It's Showtime". 

Dumating ng alas onse ng umaga ang megastar para sa kanyang guesting pero lampas alas tres ng ng hapon di umano siya pinakanta sa naturang show. 

Marahil, bilog nga ang mundo. Naaalala ko pa na noon panahon hindi pa sikat si Meme Vice Ganda ay isa na siya sa mga paboritong komedyante na madalas e guest ni Ate Shawie  sa noo'y sikat na sikat na "The Sharon Cuneta show" tuwing linggo ng gabi. Na siya naman time slot ngayon ng GGV (Gandang Gabi Vice). Kung sino ang in na in o sikat na sikat, ay siyang humahawak ng naturang time slot. So, alam na. 

Hindi ko alam if aware sila Meme Vice Ganda sa ginawa sa megastar. Pero sana next time, kung maaari yun nagsasalang sa mga artist sa "It's Showtime"  ay huwag naman tratuhin ng ganyan ang megastar Sharon Cuneta. Pakatandaan ninyo, mahal na mahal pa rin si Sharon ng masang Filipino. 

Post a Comment

0 Comments