Ano ba dapat ang standards na sinusunod para masabi mo na ang isang tao ay iyong "ONE GREAT LOVE" ?
Ito ang katanungan na bumabagabag sa akin isipan ng maimbitahan ako sa isang pakikipanayam sa mga pangunahin karakter, direktor at casts ng official entry ng Regal Films para sa MMFF 2018.
Marami sa atin ay nakahanap na ng kanilang one great love, samantalang ang iba ay kasalukuyan pang naghahanap, ang iba naman ay namatay na sa kakahanap. Ha ha ha! Masaklap isipin na nakamatayan na nila ng hindi pa nararanasan ang sinasabing pinakamasayang yugto sa buhay ng isang nilalang. O ito'y gawa gawa lamang? Katha ng imahinasyon ng mga taong lulong sa pag-ibig. Tutuo ba na mayroon "Forever"? Lahat ba ng nakakatagpo ng kanilang "One Great Love" ay nagkakatuluyan? Hindi ba sila nag aaway?
Para kay Kim Chiu iba iba talaga ang "One Great Love" ng bawat tao. Pwedeng ito ay kanilang kapamilya o di kaya asawa o boyfriend na naging forever. Hindi di umano makakahon sa pag-ibig sa opposite sex ang katagang "One Great Love" kasi applicable din ito sa mga miyembro ng atin pamilya.
Oo nga naman, bakit nga ba lagi na lamang pag-ibig sa dalawang mag sing-irog ang nagiging batayan ng karamihan sa pag define ng kanilang "One Great Love".
"Forever" ito ang salitang ginamit ng isa sa pangunahin karakter ng nasabing pelikula na si Dennis Trillo. Para sa kanya siya ay nasa proseso pa lamang ng paghahanap sa kanyang "One Great Love" at forever. So para sa premyadong aktor ang "One Great Love" ay ang kanyang magiging "Forever".
Nakausap ko ang isang 74 year-old na lolo at ibinahagi niya sa akin ang kanyang "One Great Love" ang kanyang 77 year-old na misis. 38 years na silang kasal. Tatlo ang naging bunga ng kanilang pagmamahalan. Ang isa nilang anak ay isa nang ganap na doktor. Sabi niya iisa lamang talaga ang misis niya sa puso niya never siya nagkaroon ng ibang girlfriends. Sa sobrang kabaitan daw di umano ng misis niya ay hindi niya nagawang lokohin ito kahit minsan.
Sadya ngang komplikado ang atin paglalakbay dito sa mundong ibabaw. Alalaon baga sa ang ating pagsiyasat sa bawat yugto ng buhay kailan at saan nga ba natin matatagpuan ang mailap na "One Great Love". Mas masalimoot pa sa alon sa dagat sa panahon ng unos ang kabi kabilaang pagsubok na pagdadaanan ng bawat nilalang makamtan lamang ang pag-ibig na pinakaaasam. Sa anong pamantayan o standards nga ba pasok ang isang tao para masabi na siya na ang ating "One Great Love?" Halina't panoorin natin sa Disyembre 25, araw ng pasko ang "One Great Love" para sa kasagutan ng mga tanong na pumasok sa isipan mo.
0 Comments